School principal pinagbabaril sa Midsayap, Cotabato; 5 patay matapos ang banggaan sa CLLEX sa Tarlac

📅

Kritikal ngayon ang sitwasyon ng isang principal sa Agriculture Elementary School sa Midsayap, Cotabato matapos pagbabarilin sa harap mismo ng paaralan.

Agad naman kinondena ng DepEd ang pamamaril at ipinagutos ang imbestigasyon. Sa ngayon, nasa kritikal ang kondisyon ng guro.

Samantala lima ang nasawi at siyam naman ang sugatan, matapos bumangga ang sinasakyang closed van sa bakal na bakod  sa kahabaan ng Central Luzon Link Expressway sa Tarlac. Nakasurvive ang drayber na aniya’y nawalan umano ng kontrol sa manibela dahilan ng self-accident.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.