Matapos ang halos dalawang taon, natupad na ni Fil-Canadian star spiker Savi Davison ang matagal na pangarap na maging PVL champion.
Pinangunahan niya ang PLDT High Speed Hitters sa pagkapanalo kontra Chery Tiggo sa scores na 25-17, 25-17, 19-25, 24-26, 15-8 sa PVL on Tour finals sa Mall of Asia Arena.
Giit ni Davison, hindi lang siya ang dahilan ng tagumpay kundi ang sama-samang pagsisikap ng buong koponan na itinuring na rin niyang pamilya.



