Hindi na sila makikipag-cooperate pa ‘yan ang binitawan ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya sa ikatlo nilang pagdalo sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure ngayong Miyerkules.
Inihayag ‘yan, matapos ang personal na pahayag ng isang commissioner ng ICI sa isang panayam na wala siyang nakikitang nadidiin na personalidad na maaaring ilagay sa witness protection program kahit na ang mga Discaya.
Giit naman ng komisyon hindi naman nito maaapektuhan ang takbo ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.



