Sanggol, patay nang maipit sa kadena ng motor

📅 June 26, 2025 12:05 PM PHT  |  ✏️ Updated September 20, 2025 10:16 PM PHT
Photo courtesy: Bayani Bacuño

Nasawi ang isang 3-araw na sanggol matapos maipit sa kadena ng motorsiklong sinasakyan ng kanyang mga magulang sa Quirino Highway, Brgy. Rizal, Tagkawayan, Quezon.

Ayon sa pulisya, nangyari ito kagabi kung saan pauwi na ang mag-live-in partner sakay ng motorsiklo patungong Brgy. Pasay, Del Gallego, Camarines Sur, habang buhat ang sanggol na nakabalot sa kumot.

Hindi nila napansin na lumaylay ang kumot at sumabit ito sa kadena ng motorsiklo.

ADVERTISEMENT

Habang umaandar, nahila ang kumot kasama ang sanggol at tuluyang nahulog mula sa pagkakayakap ng ina.

Agad namang dinala ang sanggol sa Ma. L. Eleazar General Hospital ngunit idineklara itong patay.