Ibinasura ng Sandiganbayan ang mosyon ni Sen. Jinggoy Estrada na ipa-dismiss ang kanyang mga kasong graft kaugnay ng Pork barrel scam.
Sa 22-page resolution ng special fifth division na may petsang October 1, 2025 idineklarang walang merit ang hiling ni Estrada.
Humaharap ang senador sa 11 counts ng graft dahil sa pagdaan umano ng P183 million mula sa kanyang maanomalyang Priority Development Assistance Fund o PDAF
Giit ng korte, hindi lamang “recommendatory” ang mga endorsement letter ni Estrada kundi direktang nag-uugnay ang mga ito sa iskandalo.
ADVERTISEMENT
Binigyan ng limang araw ang senador para magpasa ng manifestation kung nanaisin niyang i-cross examine ang mga witness.
Tuloy naman ang litis kay Estrada.



