Humihiling ang isang samahan ng mga trucker sa kanilang mga kliyente na dagdagan ng hanggang ₱3,000 ang kanilang bayad kaugnay pa rin sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Ayon sa Alliance of Concerned Truck Owners, sila ang sumasalo sa gastos habang wala pang ibinabayad ang mga kliyente — bagay na masyadong mabigat para sa mga operator.
Hiling din nila sa mga lokal na pamahalaan na alisin na ang mga pass-through fees na una nang ipinag-utos na ipatigil ni Pangulong Bongbong Marcos. (Sarah Lagsac-Arsenio)