Simula sa katapusan ng buwan, isasapubliko na ng office of the Ombudsman ang mga Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o saln ng mga top public officials.
Alinsunod yan sa memorandum circular number 3 ni Ombudsman Jesus Crispin Boying Remulla binabaligtad ng naturang memo ang utos ni retired Ombudsman Samuel Martires na naglimita sa access ng publiko sa salns simula sa panahon ng Duterte administration.
Sakop ng memo ang salns ng pangulo, ikalawang pangulo, liderato ng constitutional commissions,
at mga opisyal ng gobyerno.
‘Yun nga lang, sa ilalim ng Republic Act 6713, ang SALNS ng mga kongresista at senador ay ipinapasa sa kanilang secretariat habang ang nasa hudikatura ay nagsusumite sa Korte Suprema.
ADVERTISEMENT
Gayunpaman, umaasa ang Ombudsman na susunod na rin ang senado at kongreso sa pagsasapubliko ng kayamanan ng mga mambabatas.



