Nailipat na ng Bureau of Immigration sa BJMP ang Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy habang nililitis ang kanyang mga kaso sa Pilipinas.
Ayon sa Immigration, mananatili si Vitaly sa BJMP, hanggang maresolba ang mga kaso bago harapin ang deportation.
Habang ibinasura ng Immigration ang hiling na piyansa ni Vitaly dahil giit ng BI, hindi papayag ang ahensya na gamitin ang publicity at legal tactics para iwasan ang deportation.
Matatandaang naaresto si Vitaly noong April 3 sa isang hotel sa Pasay City matapos ideklarang isang undesirable alien.
Habang tumanggi naman ang Russia at U.S. na tanggapin muli siya ayon kay Interior Sec. Jonvic Remulla.