Matapang na sinisisi ni former Senate President Francis Escudero si former House Speaker Martin Romualdez na nasa likod umano ng mga pag atake sa kanya at sa ilang kasamahan sa senado.
Sa privilege speech ni Escudero, nagbabala siya sa publiko na ‘wag basta basta maniwala sa anya ay script at sarswela na target pabagsakin ang senado.
Tinawag naman ni Romualdez na isa lang script na tinaguriang DDS o Diehard Duterte Supporters ang talumpati ni Escudero.
Sa halip anya dapat ay harapin ni escudero ang mga isyung ipinupukol sa kanya.
ADVERTISEMENT
Kapwa idinidikit sina Escudero at Romualdez at ilan pang senador at kongresista na umanoy sangkot sa mga naglitawang iregularidad sa flood control projects at sa pagpopondo ng mga ito.



