Romualdez kasama sa iniimbestigahan sa flood control probe, ayon kay Justice chief Remulla

📅  |  ✏️ Updated

Pinabulaanan ni Justice chief Jesus Crispin Remulla, ang alegasyon ni Sen, Francis Escudero  na hindi umano iniimbistigahan si former House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng iregularidad sa flood control probe.

Sa kanyang privilege speech nitong Lunes, itinuro rin ni Escudero si Romualdez bilang nasa likod umano ng mga pag atake at pagdawit sa mga senador sa flood anomaly.

Pero sa ambush interview ni Remulla kagabi, nilinaw nya na kasama sa iniimbistigahan si Romualdez.

Lalo na at ang isa sa pinaka malaking personalidad sa kaso ay ang dating Budget Committee Chairman Zaldy Co sa panahon ng kanyang speakership.

Dagdag ni Remulla, tipid lang sila ngayon sa pag anunsyo habang walang pang testigo na lumulutang.

ADVERTISEMENT

Pero pagtitiyak niya wala silang sisinuhin sa imbestigasyon.

Matatandaang si Romualdez ay pinsan ng Pang. Ferdinand Marcos Jr.