Roman Romulo, handang ilantad ang kanyang SALN at pumirma ng bank secrecy waiver matapos paratangan ng mga Discaya | News Light

📅

Handa si Pasig City Representative Roman Romulo na ilantad ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Kasunod iyan ng paratang ng kontratista na si Curlee Discaya na kasama umano si Romulo sa mga mambabatas na tumanggap ng kickback sa flood control projects na nakontrata ng mga Discaya.

Pinasinungalingan ni Romulo ang paratang dahil hindi umano siya tumanggap ng pera mula sa mga kontratista.

Aniya, handa siyang ilabas ang kanyang SALN.

Pipirma rin aniya siya ng bank secrecy waiver para mabusisi ang pumasok at lumabas na pera sa kanyang bank accounts.

ADVERTISEMENT

Ayon pa kay Romulo, posibleng pamumulitika lang ito lalo’t kapartido si Romulo ni Pasig City Mayor Vico Sotto na mariing katunggali ng mga Discaya.

Mababatid na humarap si Sotto sa imbestigasyon ng Kamara hinggil sa maanomalyang flood control projects.

Doon sinabi ni Sotto na mag-ingat sa mga sinasabi ng mga Discaya dahil kaya nilang magsinungaling para lituhin ang publiko.