Samantala sa kamara, umaasa si House infra committee chairman Terry Ridon na kapwa ititigil ng senado at ng kongreso ang hiwalay na mga imbestigasyon ukol sa flood control projects.
Isinusulong ni Ridon ang joint undertaking na itigil ang mga hearing ng mataas at mababang kapulungan upang bigyang daan ang imbestigasyon ng Independent Commission on Infrastructure o ICI.
Una nang nagbaba ng Executive Order ang malacanang sa pagbuo ng ICI na mag imbestiga sa flood control projects pero hindi pa tiyak kung sino ang mamumuno rito.
Samantala, suportado rin ni mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila De Lima ang papapaubaya sa ICI ng imbestigasyon.
ADVERTISEMENT
Pero sana anya, isabatas ang naturang independent commission.



