Rescued kuting na isinama sa isang pagdinig ukol sa animal welfare, viral ang cuteness | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Kinaaliwan ng netizens ang pagsama ng isang rescued kuting sa isang pagdinig ukol sa animal welfare.

Si Enid ay isa sa mga rescued kitten ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na isinama sa Committee on Environmental Protection, Ecological Preservation, Sanitation, at Animal Welfare hearing sa Manila City Hall.

Kasalukuyan siyang inaalagaan ng isa sa humane education officers ng PAWS at isinama upang ipaalala sa mga opisyal ng pamahalaan ang kahalagahan ng ginagawa ng organisasyon para sa mga hayop na hindi nabibigyan ng sapat na aruga.

Si Enid ay isa lamang sa malaking bilang ng mga hayop na napapabayaan at nangangailangan din ng pag-aalaga mula sa mga tao. Naantig ang puso ng mga netizens kay Enid at binigyan din ng papuri ang PAWS para sa kanilang adbokasiya.