Patuloy ang rescue operations sa Pakistan matapos ang malawakang flash floods dulot ng torrential rains na pumatay sa hindi bababa sa 300 indibidwal sa lugar.
Ayon sa National Disaster Management Authority maraming bahay ang sinira ng rumagasang putik at rock slide sa buner districts ng Pakistan.
Patuloy din ang pagpapadala ng tulong ng Disaster Management Authority sa mga apektadong residente. Inaasahan naman ang mas maulang panahon sa Pakistan sa pagpasok ng Setyembre.



