Repatriation ng OFWs sa Israel, magpapatuloy sa kabila ng pagbaba ng alert level — DMW | News Light

📅 July 2, 2025 12:09 PM PHT  |  ✏️ Updated July 2, 2025 01:58 PM PHT
👤 Dawn Pamulaya  |  📂 Balitang Abroad, Latest News, News Light

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na magpapatuloy ang repatriation efforts para sa overseas Filipino workers (OFWs) sa Israel kahit ibinaba na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang conflict alert level mula Alert Level 3 patungong Alert Level 2.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, handa ang ahensya na tumulong sa mga OFW na nais umuwi, manatili, o bumalik sa kanilang mga employer.

Sinabi naman ni DMW Undersecretary Felicitas Bay na bukas pa rin ang apat na government-operated shelters.

Mahigit 300 OFWs na ang nakatanggap ng food packs, hygiene kits, at financial assistance na $200 para sa mga nawalan ng trabaho.

Ayon sa DMW, pinapayagan na ang pagbabalik-trabaho ng mga OFW sa ilalim ng Alert Level 2, ngunit nananatiling suspendido ang deployment ng mga bagong hire.