Nahaharap sa kasong lasciviousness si Marikina City Rep. Marcy Teodoro matapos magsampa ang dalawang babaeng pulis na kaniya noong naging close-in security.
Agad naman pinabulaanan ni Teodoro ang paratang ng dalawa at sinabing malisyoso at hindi totoo ang mga alegasyong isinampa sa kaniya at pawang walang mga sapat na basehan.
Aniya, mukha umanong “politically motivated attack” ang mga paratang laban sa kaniya.
Samantala, nahaharap rin sa kasong sexual harassment si Gawad Kalinga founder Tony Meloto dahil sa pang-aabuso umano sa dalawang batang lalaki.
Mariin namang itinanggi ang mga paratang ng sexual abuse at human trafficking na isinampa ng dalawang dating benepisyaryo ng GK.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Meloto, demolition job lamang ito laban sa kanya.
Wala ring balak magsumite ng counter affidavit si Meloto hinggil sa kaso.



