Rep. Sandro Marcos, panukalang ipagbawal ang magkakamag-anak sa mga kontrata ng gobyerno | News Light

📅
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Nag-file ng panukalang batas si Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos na nagbabawal sa mga magkakaanak na public officials hanggang ikaapat na civil degree na sumali sa mga kontrata ng gobyerno.

Layunin umano nito na maiwasan ang conflict of interest o aniya’y “loophole” sa mga umiiral na batas ukol sa government procurement at public accountability, kasunod ng kontrobersiya sa ghost flood control projects.

Ayon kay Marcos, simple ngunit mahalaga ang panukalang ito: palakasin ang accountability at integridad sa pampublikong serbisyo, at matiyak na ang pondo ay nagagamit para sa tao at hindi para magpayaman ng pulitiko.

Dagdag pa niya, dapat maprotektahan laban sa maling paggamit ang public funds dahil ito’y tungkulin para sa bawat taxpayer; ito rin daw ang hinihingi ng public service.

ADVERTISEMENT

Sa panukala, madi-disqualify ang mga government official—kasama ang magulang, kapatid, pinsan at mga in-law—na mag-secure ng contracts, concessions at iba pang agreements sa anumang ahensya ng gobyerno. (Denniel Salayo/ News Light)