Rep. Leviste, sinagot ang mga akusasyon hinggil sa solar energy firm; nanindigang walang pondo ng gobyernong kasama rito | News Light

📅

Iginiit ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste na nakapagtayo ng pinakamataas na renewable energy capacity sa Pilipinas ang kanyang itinatag na kumpanya.

Ito’y matapos sabihin ni Energy Secretary Sharon Garin na bigong maghatid ng kuryente sa takdang panahon ang Solar Philippines, kasabay ng imbestigasyon sa posibleng paglabag sa franchise ng solar energy firm ni Leviste.

Dahil dito, kinansela ng kagawaran ang ilang kontrata at nagpataw ng halos dalawampu’t apat na bilyong pisong parusa sa kumpanya.

Bagamat hindi sinagot nang direkta ni Leviste, sinabi niya na tutugon siya sa isyu sa tamang forum.

ADVERTISEMENT

Giit pa ni Leviste, wala siyang natanggap na kahit piso mula sa gobyerno at ang lahat ng kanyang pondo ay galing sa pribadong negosyo.