Ibinunyag ni Batangas 1st District Representative Leandro Legarda Leviste ang natuklasang substandard na materyales sa DPWH flood control project sa Binambang River sa Balayan, Batangas.
Ito’y matapos maaresto sa entrapment operation ng Taal, Batangas police ang isang DPWH district engineer matapos pagtangkaang suhulan umano si Leviste nitong August 22.
Nahuli sa suspek ang mahigit tatlong milyong pisong cash na tangkang pansuhol umano kapalit ng pagpapahinto sa imbestigasyon sa mga iregularidad sa DPWH projects sa Batangas.
Ayon kay Leviste, sinilip ng kanyang opisina ang naturang proyekto matapos itong masira ng nagdaang Bagyong Kristine.
ADVERTISEMENT
Samantala, ngayong araw nakatakdang sampahan ng kaso ni Leviste ang nahuling engineer habang magpapatuloy anya ang pag-au-audit ng kanyang opisina sa iba pang DPWH projects sa kanyang distrito.



