Nagbabala si Mamamayang Liberal Partylist Representative Leila De Lima ng mga posibleng mangyari kasunod ng kanselasyon ng Supreme Court sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay De Lima, maaaring gamitin ito para maghain ng mga pekeng reklamo o “nuisance complaints” para protektahan ang mga opisyal ng gobyernong nasasailalim sa impeachment at maharang ang mga seryosong impeachment complaint sa ilalim ng one-year bar rule.
Dagdag pa ni De Lima, garantisadong maghahain ang Kamara ng motion for reconsideration sa naturang desisyon ng Korte Suprema.



