Rep. Kiko Barzaga, kumalas na sa nup at majority bloc sa gitna ng umuugong na kudeta sa kamara

📅

Nagbitiw sa National Unity Party at majority bloc sa kamara si Cavite 4th district Rep. Francis Barzaga sa gitna yan ng usaping may kudeta laban kay Speaker Martin Romualdez.

Giit ni Barzaga mali ang alegasyon na siya’y nangungulekta ng pirma para patalsikin ang speaker.

Paliwanag niya, na-misinterpret ng partido ang komento niya ukol sa pagbibitiw ni deputy speaker puno.

Idiniin din ni Barzaga na matagal na niyang ipinaglaban ang interes ng nup kahit na marami ang kontra sa pulitika.

ADVERTISEMENT

binanatan naman niya si House Speaker Martin Romualdez at nanawagan ng imbestigasyon sa anomalya umano sa pondo ng flood control projects nang maging caretaker ito sa kanyang distrito.