Isinulong ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua ang paghirang kay Dolphy bilang national artist.
Inihain ni Chua ang house resolution no. 41 nitong July 9 bago ang ika labintatlong anibersaryo ng pagkamatay ng komedyanteng si Rodolfo “Dolphy” Quizon sr. o mas kilala bilang si Dolphy.
Binigyang-diin sa resolusyon ang malaking ambag ni Dolphy sa sining at pagpapahalaga sa filipino values sa lahat ng henerasyon.
Inutusan ng kamara ang mga komite sa creative industries at basic education & culture na gumawa ng hakbang para sa pormal na nominasyon kay Dolphy sa National Commission for the Culture and the Arts.
Kilala si Dolphy bilang “king of comedy” sa mga show na John En Marsha, Home Along Da Riles, at mga pelikulang Omeng Satanasia at Markova Comfort Gay.
ADVERTISEMENT
Inilibing sa Heritage park, Taguig City noong 2012 si Dolphy at ipinangalan sa kanya ang studio 1 ng ABS-CBN ang Dolphy theater.



