Rep. Diokno, binatikos ang paglalagay ng foreign-assisted projects sa unprogrammed funds; nanawagan ng ‘zero unprogrammed appropriations’

📅

Binatikos ni Akbayan Party-list Rep. Jose Manuel “Chel” Diokno ang paglalagay ng mga foreign-assisted projects sa unprogrammed appropriations sa 2026.

Ayon kay Diokno, hindi dapat isama ang mga proyekto na negotiated na sa mga foreign partner dahil dapat na isama na ito sa regular budget.

Iginiit din ng kongresista na dapat linisin ang budget at magkaroon ng “zero unprogrammed appropriations” para maipakita ang disiplina sa gastusin at transparency sa pondo ng bayan.

Aminado rin si diokno na mahirap i-guarantee na walang “pork barrel” sa 2026 budget.

ADVERTISEMENT

Kailangan din daw na manatiling mapagmasid ang akbayan sa posibleng maliliit na pang-aabuso sa pondo ng taumbayan.