Rep. Bro. Eddie Villanueva, nanawagan na ipagbawal ang online gambling | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Nanawagan si CIBAC Party-list Representative Bro. Eddie Villanueva na agad ipasa ang House Bill No. 637 o “Anti-Online Gambling Act of 2025” na naglalayong ipagbawal ang lahat ng uri ng online gambling sa bansa.

Ayon kay Rep. Villanueva, naging seryosong isyu na ang online gambling dahil sa mga kaso ng pagkawala at pagkamatay ng mga e-sabong enthusiast na hanggang ngayon ay hindi pa nareresolba.

Binigyang-diin ng kongresista na winawasak ng online gambling ang mga pamilya at kinabukasan, at ang mga kaso ng sabungero ay sintomas lamang ng mas malalalim na suliraning panlipunan.

Sa ilalim ng panukala, parurusahan ang sinumang magpapatakbo o makikisangkot sa online sugal.

Giit ni Villanueva, ang pagsusugal ay taliwas sa kagustuhan ng Diyos at nag-uugat sa pagnanasa sa salapi na nagdadala ng kahirapan at pagkasira ng moralidad ng tao.

ADVERTISEMENT

Nanawagan na rin ang partido ni Villanueva na CIBAC sa Kongreso at ehekutibo na unahin ang batas upang maprotektahan ang pamumuhay ng mga Pilipino.