Nahuling dumating at hindi na nakaabot sa sarili niyang ethics hearing si Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga matapos amining nagpuyat umano siya sa paglalaro ng computer games.
Sa ambush interview sa kamara, inamin ni Barzaga na tapos na ang pagdinig pagdating niya at sinabing naging busy siya kinagabihan dahil naglaro siya ng computer games.
Bago ito, nakita si Barzaga sa isang protesta sa Forbes park linggo ng gabi kung saan nanawagan ang ilang mga dumalong ralyista ng pagbibitiw ni Pang. Ferdinand Narcos Jr.
Matatandaang may nakabimbing ethics complaint laban kay Barzaga, na inihain ng National Unity Party sa pamumuno ni deputy speaker Ronaldo Puno dahil sa umano’y “unusual behavior,” pagpapaskil ng malaswang larawan, at pagtataguyod ng seditious conduct.
ADVERTISEMENT
Umalis si barzaga sa NUP, matapos umanong akusahan ni puno ng pakikisabwat para patalsikin si House speaker Martin Romualdez.



