Rep. Barzaga, maghahain ng impeachment complaint VS PBBM

📅  |  ✏️ Updated

Ibinahagi ni Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga ang paghahain niya ng impeachment complaint laban kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa House of Representatives nitong Miyerkules, Oktubre 8.

Sa kanyang maikling vlog, ipinakita ni barzaga ang loob ng batasang pambansa at pabirong sinabi na “welcome to the crocodile farm… absent ulit ang mga buwaya.”

Matapos ito, ipinakita niya sa mga netizen cang impeachment complaint laban kay Marcos.

Giit ni Barzaga, nakabatay ang kaso sa “betrayal of public trust at culpable violation of the constitution.”

ADVERTISEMENT

Wala pa namang pahayag ang Malacañang hinggil sa isyu.