Planong irekalmo ng National Unity Party sa ethics committee si Cavite Rep. Kricsico “Kiko” Barzaga dahil sa anila’y ilang violation ng pag uugali nito.
Ayon kay NUP chairperson at deputy speaker Ronaldo Puno, ang paguugali kamakailan ni Barzaga ay maaring maituring na: nakakabawas sa kredibilidad ng kongreso, kontra sa batas at good morals unbecoming para sa isang kongresita at inciting to sedition.
Base yan sa ilang post ni Barzaga sa social media, kabilang ang pagbibiro ng pagsusunog batasang pambansa.
Ibinunyag rin ni Puno na nagpunta si Barzaga sa opisina ni majority leader Sandro Marcos para ianunsyong tatakbo sya sa pagka House speaker.
ADVERTISEMENT
Wala pang reaksyon si Barzaga sa isyu pero sa Facebook, ibinhagi niya ang pagkanta ng isang political song ukol sa mga nakaupo sa gobyerno.
Matatandaang nagresign kamakailan si Barzaga sa NUP matapos umanong akusahan ng partido na nagpa-planong patalsikin sa pwesto si House speaker Martin Romualdez.



