Remulla: Ex-pres. Duterte, mas maiging manatili sa kustodiya ng ICC

📅 June 26, 2025 11:52 AM PHT  |  ✏️ Updated June 26, 2025 11:52 AM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Mas nakikita ni Justice Secretary Boying Remulla na dapat manatili sa custody ng International Criminal Court si dating pangulong Rodrigo Duterte, imbes na payagang ma-release sa ibang bansa.

Nauna nang sinabi ng kampo ni Duterte na may bansa umanong handang tumanggap sa kanya kung papayag ang ICC sa isinusulong na interim release.

Paliwanag ni Remulla: impratikal at di akma ang request at baka mahirapan nang ibalik kung makawala sa custody ang dating pangulo.

Aniya, mas maigi kung harapin na lang niya ang kaso.

Sinabi rin niya na handang tumulong ang gobyerno sa mga testigong balak pumunta sa The Hague para tumestigo laban kay Duterte.