Nakasalalay umano ang kinabukasan ng relasyon ng Pilipinas at China sa mga kabataan.
Ito ang pahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Aniya, bagaman hindi maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang magkalapit na bansa, dapat umanong panatilihin ang pag-uusap sa halip na komprontasyon, at ang pagsasaayos sa halip na palakihin pa ang sigalot.
Hinikayat din ng Chinese Embassy ang mga kabataang Pilipino na pagtagumpayan ang misinformation at makita ang tunay na kwento ng China.
Wala pa namang pahayag dito ang Department of Foreign Affairs (DFA), ngunit inalamahan ng pamahalaan kamakailan lang ang ginawang pambobomba ng China Coast Guard sa maliliit na barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). (Sarah Lagsac-Arsenio/News Light)