Reklamo laban sa aktibistang kontra mga Discaya, ibinasura | News Light

📅
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Napatunayang hindi namuno o nag-organisa ng mga kilos-protesta noong Setyembre 4 sa St. Gerrard Construction Office sa Pasig ang environmental activist na si Jonila Castro, ayon sa Prosecutor’s Office ng siyudad.

Sa resolusyong inilabas ng opisina, pumalyang pangatawanan ng reklamo na naging banta sa kaayusan ng publiko ang nasabing kilos-protesta.

Ang kaso ay nag-ugat sa akusasyon ng pulisya kay Castro, na tagapagsalita ng grupong Kalikasan, na lumabag umano ito sa Public Assembly Act dahil sa pagpo-protesta nang walang permit.

Sa nabanggit na kilos-protesta noong nakaraang buwan, hinagisan ng putik at nilagyan ng spray paint ng mga demonstrador ang gate ng construction firm ng mag-asawang Discaya bilang pagkondena ng mga ito sa korapsyon at maanomalyang flood control projects. (Denniel Salayo/ News Light)