Reklamo laban kay Sen. Escudero at Lubiano tungkol sa P30-M campaign donation, walang ebidensiya | News Light

📅 November 27, 2025 12:49 PM PHT  |  ✏️ Updated November 27, 2025 12:50 PM PHT
👤 Giselle Crazo  |  📂 News Light

Hindi makitaan ng ebidensya ng Commission on Elections Political Finance and Affairs Department (Comelec-PFAD) ang reklamo laban kay Senator Chiz Escudero at Centerways Construction Development Inc. President Lawrence Lubiano hinggil sa ₱30 milyong donasyon nito noong eleksyon.

Sa resolusyon, inirekomenda ng PFAD na itigil na ang imbestigasyon sa dalawa; magkahiwalay umano ang entidad at legal personality ng Centerways at Lubiano kahit pa siya ang presidente nito.

Ayon sa departamento, personal lamang ang kontribusyong ito ni Lubiano kay Escudero.

ADVERTISEMENT

Wala rin umano siyang kontrata sa gobyerno o kinalaman sa mga konstruksyon ng kumpanya nito kaya wala itong paglabag sa Section 95(c) ng Omnibus Election Code na pinagbabawalan ang mga kandidatong tumanggap ng campaign donation mula sa mga contractor na may negosasyon sa gobyerno.