
Muling sumabak sa paggamit ng public transportation si LTO CALABARZON Regional Director Elmer J. Decena, upang personal na maranasan ang araw-araw na sitwasyon ng mga komyuter.
Mula Calamba City, Laguna ay bumiyahe si Decena patungong Lipa City, Batangas upang obserbahan ang aktuwal na kondisyon ng pampublikong transportasyon at makalikom ng datos para sa bubuuing mas epektibong mga polisiya at programa ng ahensya.
ADVERTISEMENT
Kabilang sa mga nakikita niyang solusyon ay ang mas maayos na koordinasyon sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan at transport operators, pagpapaganda ng mga terminal, at pagtitiyak ng ligtas at maayos na biyahe ng mga pasahero.
Matatandaang nagsagawa rin si Decena ng katulad na aktibidad noong Setyembre.




