Ipinanawagan ni Senate Minority Leader Tito Sotto ang random drug testing sa Senado, kasunod ng mga ulat na may nahuli umanong gumagamit ng marijuana sa gusali.
Sa kanyang liham kay Senate President Chiz Escudero, iginiit ni Sotto na ang random drug testing ay makatutulong upang matiyak ang isang drug-free workplace sa Senado at masiguro ang pagpapanatili ng mataas na morale, kahusayan, at integridad sa paglilingkod.
Dagdag nito, dapat isagawa ang mandatory random drug testing alinsunod sa Republic Act No. 9165 o ang Dangerous Drugs Act of 2002, Civil Service Commission Resolution No. 1700653, at Revised Policy on Random Drug Testing ng Senado.



