QC Mayor Belmonte, Pasig City Mayor Sotto, at ilang ahensya, pumirma ng kasunduan sa ICI bilang pakikiisa sa imbestigasyon VS katiwalian sa flood control projects

📅  |  ✏️ Updated

Tuloy ang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure kaugnay ng maanomalyang flood control projects sa bansa at maging ang kuwestyonableng budget insertions ng ilang mga mambabatas.

Kaugnay niyan, pumirma ng kasunduan ang ilang mga samahan at ahensya para tulung-tulong na bigyang-linaw at pananagutan ang katiwalian.

Samantala, naghain na ng ethics complaint si Navotas City Rep. Toby Tiangco laban kay Ako Bicol Rep. Zaldy Co, kaugnay ng budget insertions sa Kamara.