
Lalo pang pinaigting ng Quezon City local government ang kampanya nito laban sa malatrangkasong sakit o flu-like illnesses.
Ayon kay Jovit Junio, disease surveillance officer ng City Epidemiology and Surveillance Division ng QC Health, sa QC Journalist Forum, ay dahil tumaas ang kaso ng mga sakit sa Quezon City.
ADVERTISEMENT
Nitong Nobyembre 7, ay nagtala sila ng 2,606 na kaso ng malatrangkasong sakit, mas mataas ito ng 87 percent o nasa 1,394 cases sa kaparehong period ng 2024.
Panawagan nila ay magsuot ng face mask at palagiang maghugas ng kamay para maiwasan ang sakit, bukod sa pagkakaroon ng annual flu vaccine at pneumonia vaccine.




