Nagsimula na ang tigil putukan sa pagitan ng Israel at Iran, ayon kay U.S. President Donald Trump.
Ilang oras lang iyan matapos ang opensiba ng Iranian capital na Tehran sa us military base sa Qatar, June 23 ng gabi.
Kung sakaling tutupad sa ceasefire hudyat ito ng pagtatapos ng labindalawang araw na digmaan sa Middle East.
‘Yun nga lang, kapwa nag-aakusa ang dalawang bansa ng paglabag sa kasunduan.
Ayon sa Iranian state media, nagpakawala ang Tehran ng airstrikes target ang American military base sa Qatar bilang ganti sa pambobomba ng U.S.A. sa nuclear sites ng Iran nitong weekend.
Nakunan naman ng ilang netizens sa doha ang pagliwanag ng kalangitan nang tumugon ang qatar ng intercept missile.
Ayon sa Qatari government, walang nasaktan sa pag-atake.
Na-evacuate rin ang lahat at naisara ang airspace.
Ilang oras lang matapos ang attack sa tinaguriang pinakamalaking U.S. military base sa Middle East.
Inanunsyo ni U.S. President Donald Trump sa truth social platform na nagkasundo na ang Iran at Israel para sa tigil-putukan simula June 24 ng umaga.
Hindi agad kinilala ng dalawang panig ang ceasefire agreement pero kalaunan ay pumayag rin ang Israel habang sinabi naman ng Iran na payag ito sa kapayapaan kung mauunang tumigil sa opensiba ang Israel.
Pasado ala-una sa Washington, sinabi ni Trump na nagsimula na ang ceasefire.
Sa kabila nito, kapwa nag-aakusa ang Tehran at Tel aviv ng paglabag sa kasunduang tigil putukan.
June 12 nang sumiklab ang digmaan matapos maglunsad ng opensiba ang Israel sa Iran bilang pagtutol umano sa nuclear sites ng Iran.
Kung kapwa tutupad ang dalawa sa tigil putukan, hudyat ito ng pagtatapos ng labindalawang araw na digmaan na nagpakaba sa buond mundo dahil sa banta nito sa pandaigdigang kapayapan.