Qatar, Kuwait, at Bahrain airspace, muling binuksan matapos isara noong Lunes dahil sa Israel-Iran conflict | News Light

📅 June 24, 2025 01:09 PM PHT  |  ✏️ Updated June 24, 2025 01:09 PM PHT
👤 Dawn Pamulaya  |  📂 Balitang Abroad, News Light

Muling binuksan ng Qatar, Bahrain, at Kuwait ang kanilang airspace matapos ang pansamantalang pagsasara bilang pag-iingat sa tumitinding tensyon sa rehiyon.

Ipinatupad ng mga awtoridad ang pagsasara upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero, tripulante, at air traffic sa gitna ng lumalalang seguridad sa Middle East.

Ang pagbubukas ng airspace ay hudyat ng pagbabalik sa normal na operasyon ng mga flight, habang patuloy na inuuna ng mga opisyal ng aviation ang kaligtasan ng publiko.

Pinapayuhan ang mga airline at biyahero na manatiling updated sa mga anunsyo upang maiwasan ang abala.

Samantala, ipinahayag ni U.S. President Donald Trump na nagkasundo umano ang Iran at Israel sa isang “kumpleto at ganap” na tigil-putukan na magsisimula sa mga susunod na oras.

Ayon sa kanya, ang “12-Day War” ay natapos na at hindi na lalala pa.

Gayunpaman, hindi pa kinukumpirma ng Israel at Iran ang naturang kasunduan.