Nakabalik na sa winning ways ang Cignal matapos talunin ang Zus Coffee sa scores na 22-25, 25-19, 25-18, 25-19, sa 2025 PVL Invitational nitong Lunes sa PhilSports Arena, Pasig City.
Bagama’t natalo sa unang set, nakahanap ng paraan ang HD Spikers sa pangunguna ng Alas Pilipinas standouts na sina Dawn Catindig at Vanie Gandler.
Umiskor si On Tour MVP Erika Santos ng 21 puntos, habang tumulong sina Ishie Lalongisip, Tim Tiamzon, at Erin Pangilinan.
Nanguna naman si Catindig sa depensa na may 18 excellent digs at 15 receptions.
ADVERTISEMENT
Susunod na makakaharap ng Cignal ang Kobe Shinwa sa Huwebes, habang tatangkain ng Zus Coffee na makabawi laban sa Chery Tiggo bukas.



