Pumping station ng Cainta, pinasok ng kawatan

๐Ÿ“…
๐Ÿ‘ค rasibag  |  ๐Ÿ“‚ DZJV Radyo CALABARZON
Photo courtesy of Mayor Kit Nieto

Pinasok ng kawatan noong Sabado ng gabi ang Pumping Station ng Cainta, Rizal, na nasa Park Place.

Ayon kay Mayor Kieth Nieto, nadiskubre ang krimen nitong Linggo kung saan nag-cutting ang mga suspek ng steel matting, pinagtatanggal ang mga tanso, at pinutol lahat ng kawad.

Bilang hakbang, agad silang nakipag-ugnayan sa installer para maayos at magamit ang naturang pump lalo na ngayong tuloy-tuloy ang pag-ulan bunsod ng Super Typhoon Uwan.

Mayroon na ring 24-hour security sa kanilang mga pumping station.

ADVERTISEMENT

Handa umano ang alkalde na maglabas ng P300-K bilang reward money sa makapagtuturo sa nasa likod ng krimen.