Pulong, pumalag sa pagkakadawit ng Davao City sa maanomalyang flood control project

📅

Binanatan ni Davao City first district Rep. Paolo Duterte ang imbestigasyon ng kamara kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Ito’y matapos mabanggit sa pagdinig ni DPWH Usec. Maria Catalina Cabral na halos P51 bilyong na-allocate para sa infrastructure projects sa distrito ni Duterte sa Davao City mula 2020 hanggang 2022 sa huling bahagi ng termino ng kanyang ama na si dating Pang. Rodrigo Duterte.

Sa inilabas na statement ni Paolo Duterte kwestyonable aniya ang biglang paglilihis ng usapan patungo sa kanya sa halip na harapin ang mga opisyal ng DPWH na umamin sa pagbigay ng payola.

Iginiit din ni Duterte, na ginagamit lamang ang pamilya nila at ang Davao City para mailihis ang isyu sa korapsyon.

ADVERTISEMENT

Hamon niya sa mga kongresista, ilabas ang kanilang mga budget at ebidensya ng proyekto sa kanilang distrito para makita kung sino ang tunay na nangungurakot.