Public servant, nanunumbat? | Straight from the Word

📅  |  ✏️ Updated

Sa panahon ng kampanya, ibinibida lagi ng mga reelectionist ang kanilang accomplishments — mga proyektong natapos, adbokasiyang natupad, taong natulungan, problemang nalutas, at iba pa. Bahagi ito ng paghimok nila sa mga botante para muling makakuha ng boto.

Hindi masama na banggitin ng mga pulitiko ang kanilang accomplishments. Sa katunayan, pananagutan ng isang public servant na maging transparent, at karapatan ng taumbayan na malaman ang mga nagawa ng isang lingkod bayan.

Pero habang papalapit ang 2025 midterm election, may mga public servant na tila nanunumbat kapag ibinibida ang kanilang accomplishments.

May utang na loob ba ang taumbayan kapag may nagawa ang isang public servant?

ADVERTISEMENT

Narito ang Straight from the Word na paalala ni Pastor Billy John Marquez:

“Hindi tama na isumbat yung mga nagawa mo, besides, it’s [the public servant’s] responsibilities na gawin ang nararapat bilang elected officials. Dapat magampanan naman talaga nila yung kanilang trabaho na iniatang sa kanila para sa ikauunlad ng ating mga kababayan.”

Ang pusong nanunumbat ay pusong nagpapanggap. Hindi genuine.

“Kung ang habol [ng public servant] ay paglilingkod… it doesn’t matter kung mapansin ka o makilala ka. Ang mahalaga ay ginagawa mo [ang paglilingkod] ng buong puso.”

ADVERTISEMENT

Hindi mo kailangang isumbat o ipagyabang ang iyong accomplishments — the people will speak for you.

“Yung pananunumbat, red flag yan. Ang bawat servant ay model of humility and not pride.”

Para sa ating God’s Word:

ADVERTISEMENT

Do not think that you are better than other people. Always be kind and patient with each other. Love one another, so that you do not quickly become angry with each other. Ephesians 4:2 EASY

***

Ngayong Abril, samahan sina Sarah Lagsac Arsenio at Pastor Billy John Marquez sa isang talakayang puno ng pag-asa, grasya, at kaalaman tungkol sa #UnwaveringHumility.

📅 Lunes hanggang Biyernes
⏰ 10:00 – 11:00 AM

ADVERTISEMENT

Mapapanood sa Light TV – God’s Channel of Blessings, Light TV Radio, at iba pang platform ng Zoe Broadcasting Network Inc.