Prototype GPS-based “PIDS” o info system sa mga train station sa Maynila, makatutulong sa mga komyuter | News Light

📅  |  ✏️ Updated

“Paparating na ba? Saan na ba ako?” ‘yan ang madalas na tanong ng mga pasahero ng tren, madalas pa nga ay nagkakamali sa bababaang istasyon.

Ngunit bilang solusyon, gumawa ng isang Passenger Information Display System (PIDS) ang isang fresh graduate engineering student na si Clyde Sanmig D. Corpuz.

Ayon kay Clyde, nakita niya ang mga PIDS ng ibang bansa tulad ng Taiwan, South Korea, Japan, at Hong Kong na gumagamit ng naturang device, at nakita niya kung gaano nakatutulong ang ganitong klase ng gamit para sa mga komyuter upang hindi maligaw ang isang pasahero.

Naging inspirasyon din niya ang hirap ng mga tulad niyang mananakay ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3 na maraming naliligaw kahit tatlong riles lang naman ito, ayon sa kanya.

Ang PIDS ay naglalabas ng impormasyon ng pag-alis at pagdating ng tren, nagbibigyan din ito ng impormasyon kung ilang minuto na lamang bago bumaba ang gagamit na commuter.

ADVERTISEMENT

Umani ng iba’t ibang reaksyon ang kanyang gawa sa social media, na ayon sa mga netizens ay makatutulong ito sa mga persons with disability tulad ng mga deaf, at pati na rin sa mga senior citizens at first-time na babiyahe sa mga istasyon ng tren tulad ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3.

Ayon din sa iba, nawa ay mapansin ng gobyerno ang gawa ni Clyde upang mas mapaganda ang train system sa bansa. (Austin Gonzaga/News Light)