Sa isinagawang protesta kontra korapsyon noong September 21, iba-iba ang naging paraan ng mga Pilipino sa pagpapahayag ng kanilang hinaing laban sa katiwalian.
Habang marami ang mapayapang nakiisa, may mga grupo namang nagpahayag ng damdamin sa pamamagitan ng mas matitinding aksyon na nauwi sa sagupaan.
Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno, nasa 192 ang naaresto at kakasuhan ng mga kasong gaya ng paglabag sa Batas Pambansa Blg. 880 o Public Assembly Act of 1985, illegal assembly, assault to authority, at resistance and disobedience.
Nagpapatuloy din ang imbestigasyon para sa posibleng karagdagang kaso tulad ng malicious mischief, arson, at inciting to sedition.
ADVERTISEMENT
Tinatayang aabot na sa P600,000 ang halaga ng nasirang mga traffic light at pasilidad, ngunit maaaring lumaki habang patuloy sa pagkukuwenta ang mga awtoridad.
Habang giit ng alkalde na managot ang mga naaresto, lumulutang ang usapin kung sila nga ba ang dapat panagutin o ang mga politiko na sangkot sa korapsyon. (Pink Feliciano/News Light)



