Umalingawngaw nitong weekend ang iba’t ibang kilos protesta sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ang Simbahang Katolika, nagmartsa na sa EDSA Shrine nitong Linggo para ipanawagan ang pagpapanagot sa mga sangkot sa korapsyon sa pamahalaan.
Dinaluhan ito ng nasa 400 na mga Katoliko at mga taga-suporta ng Akbayan Partylist.
ADVERTISEMENT
Ang pagmartsa ng grupo ay itinuring na prayer rally at nagwakas sa misa na pinangunahan ni Cardinal Pablo Virgilio David, na pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.
Samantala, nanawagan naman ng katarungan sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga mamamahayag, kasabay ng paggunita ng ika-16 anibersaryo ng Ampatuan massacre sa Maguindanao, kung saan 58 ang pinatay, kabilang ang 32 na mga journalist.
Nagsagawa ng prayer vigils, run for justice, at iba pang protesta ang National Union of Journalists in the Philippines bilang panawagan ng katarungan sa mga mamamahayag na pinatay.



