Nais ng ilang senador na maghain ng protesta ang gobyerno ng Pilipinas laban sa US authorities dahil sa anila’y hindi makatarungang pagpapa-deport sa ilang Pinoy seafarers.
Ayon sa Department of Migrant Workers, tinarget ng US Customs ang mga tripulanteng pinoy, at inakusahan pa ang ilan ng pag-access ng child pornography.



