Proposed P6.793 trillion budget, lusot na sa ikalawang pagbasa; panukalang zero unprogrammed funds, tinanggihan

📅  |  ✏️ Updated

Lusot na sa ikalawang pagbasa sa mababang kapulungan ng kongreso ang House bill 4058 o ang panukalang P6.793 trillion national budget para sa taong 2026.

Sa second reading version ng budget, mananatili sa 733 million pesos ang pondo ng Office of the Vice President.

Alinsunod yan sa amendement ni mamamayang liberal Rep. Leila de Lima na ibasura ang karagdagang P169 million na pondo na hiningi ng opisina ni Vice Pres. Sara Duterte.

Samantala, hindi naman nailusot ang proposed amendment ng Akbayan partylist na tanggalan ng budget ang unprogrammed appropriations.

ADVERTISEMENT

Ang unprogrammed appropriation ay standby na pondo ng gobyerno na maaari lang gamitin kung nagkaroonng dagdag na pondo ang pamahalaan pero ayon sa akbayan ginagamit umano ito para itago ang umano’y pagwawaldas sa kaban ng bayan.