Ibinalik na ng COMELEC ang proklamasyon ni outgoing Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro bilang nagwagi sa pagka-Kongresista ng unang distrito ng lungsod.
Sa 38-page decision na desisyon na inilabas nitong June 25, binaligtad na ng COMELEC en banc ang naunang desisyon ng first division na nagkansela sa kaniyang certificate of candidacy noong December 2024.
Dahil dito wala nang hadlang sa kaniyang proklamasyon bilang kinatawan ng Marikina first district.
Samantala, iaakyat ni outgoing Senator Koko Pimentel sa Supreme Court ang kaso ni Marikina Mayor Marcy Teodoro matapos maglabas ng desisyon ang COMELEC na pinapayagang maiproklama na bilang kinatawan ng unang distrito ng lungsod.
Giit ni Pimentel mahalagang maresolba sa korte ang legal at konstitusyunal na isyu sa likod ng pagbasura ng COMELEC en banc sa naunang pagkansela sa COC ni Teodoro.