Nauwi sa gitgitan ang protesta ng mga progresibong grupo at kapulisan sa labas ng batasang pambansa sa Quezon City ngayong Biyernes habang dinidinig ang panukalang budget ng DPWH para sa susunod na taon.
Binatikos ng mga nagpoprotesta ang umano’y anomalya sa mga flood control project.
Panawagan nila panagutin ang mga sangkot.
Tumindi naman ang tensyon nang sinimulan nang harangan ng mga pulis ang mga nagpoprotesta.
ADVERTISEMENT
Matatandaang sinugod din ng mga grupo ang construction company ng mga Discaya sa Pasig City nitong huwebes na sangkot sa maanomalyang flood control projects.



