Produktong pinoy, ibinida sa isang mall store sa Quezon City

📅  |  ✏️ Updated

Galing pinoy meets global flair!

Ibinida ang mga produktong pinoy sa re-launching ng isang store na ‘Spatio’ nitong Huwebes, June 3 sa isang mall sa Quezon City.

May tema itong ikuwento natin, galing pilipino!

Rumampa sa fashion show ang mga modelo suot ang modern-filipina outfit na gawa ng ilang magagaling na fashion designer sa bansa.

ADVERTISEMENT

Kasama pa riyan ang mga naggagandahang disenyo ng accessories at bags para siguradong in-style ang fashion mo.

Tunay ngang walang makakatalo sa galing ng pinoy basta gawang pinoy, panalo!