Proclamation ni re-elected Benguet Rep. Eric Yap, ipinag-utos na, matapos ibasura ng Comelec 2nd Division ang petition to cancel COC laban sa kaniya | News Light

📅 June 30, 2025 11:02 AM PHT  |  ✏️ Updated June 30, 2025 11:05 AM PHT
👤 Giselle Crazo  |  📂 Pulitika, Latest News, News Light

Ibinasura na ng Commission on Elections Second Division ang petition for denial or cancellation of certificate of candidacy ni Benguet re-elected Representative Eric Yap.

Material misrepresentation ang isyung hinarap ni Yap matapos siyang akusahan ni Franklin Tino na hindi umano siya natural-born Filipino.

Inakusahan din siyang pineke ang kanyang mga dokumento, kabilang na ang passport.

Gayunpaman, mananatiling wala munang kongresista ang lone district ng Benguet dahil limang araw pa ang hihintayin bago mag-convene ang Provincial Board of Canvassers ng Benguet para opisyal na iproklama si Yap.